Waiting for the action to start…

2.55 PM. Andito ako sa Starbucks, sa harap ng stage kung saan magaganap ang rally laban sa Con-ASS.

Tahimik pa ang kapiligiran. Ordinaryo lang kilos ng mga tao.

Mamaya pupunta dito ang mga kaibigang blogger at ilan na mga Facebook user. Kung libre kayo, pasyal kayo dito.

Kung hindi naman, bakit di sumali sa mga protesta online?

Kung may FaceBook kayo, puntahan ang http://www.causes.com/StopConAssNow at doon magsign up para maging miyembro.

I-add niyo na din ako sa FB. Mas madalas ako doon kaya napapabayaan ko tuloy ang blog ko.

Mamaya, patuloy ang aking pagsusulat dito tungkol sa rally sa Makati.

Samantala, hihigop muna ako ng aking mamahaling kape hangga’t mainit-init pa. Wala pa kasing aksyon. Teka, huwag mong kalimutang magsign up ha?

At kung interesado kayong malaman ang iba pa naming gagawin bilang cyber-advocates vs HR 1109, sumulat sa stopconass09@gmail.com.

May sasagot sa inyong mga komento o tanong doon. Promise.

Author: Susan Ople

Susan "Toots" Ople is the President of the Blas F. Ople Policy and Training Institute. She's an OFW and labor advocate based in the Philippines.

Share This Post On
  • panahon na para baguhin ang sistema ng pakikipaglaban- sa totoo, hindi na ako panig sa mga nagra rally.

    may ibang paraan na siguro ay mas epektibo.

    tama ka, bakit hindi natin subukan ang internet?

  • siyetehan, up & running na ang aming cyber campaign vs conass at nais kitang imbitahan na sumapi sa aming grupo. matatagpuan ang link
    sa http://www.causes.com/StopConAssNow. ang aming target, maka-100,000 members this July. nasa 76,000+ na kami.

  • salamat po. Will sure to drop by on that link.